Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2020

#PSEBalita | Bagong Apostolic Nuncio sa Pilipinas, Itinalaga ni Pope Francis!

Imahe
Lungsod VATICANO | Itinalaga na ni Pope Francis si Archbishop Charles John Brown, D.D., bilang bagong Apostolic Nuncio sa Pilipinas, noong Kunes, Ika-28 ng Setyembre 2020. Ika-16 ng Nobyembre noong nakaraan taon ng mabakante ang posisyon ng Apostolic Nuncio sa bansa nang maitalaga ang noo'y Nuncio na si Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa United Nations sa New York, bilang Permanent Observer of the Holy See. Si Arcrbishop Brown ay ipinanganak sa Amerika noong Oktubre 13, 1959 at naordinahang pari noong Mayo 13, 1989. Taong 2011, nang siya ay italaga ni Pope Benedict XVI bilang Apostolic Nuncio sa Ireland, na naging dahilan ng kanyang pagiging isang Arsobispo. Taong 2017 naman nang siya ay maitalaga ni Pope Frqncis bilang Apostolic Nuncio sa Albania. Ating ipanalangin ang bagong Apostolic Nuncio, at ang ating Inang Simbahan. * second photo from Vatican News 

#PSEBalita | Selebrasyon ng 500 Years of Christianity, magiging Isang Taon na!

Imahe
MAYNILA, Pilipinas | Gagawin nang Isang Taong Selebrasyon ang Pagdiriwang ng 500 Years of Christianity sa Bansa, dahil sa dinaranas na Pandemya. Ayon sa Pahayag ni Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng CBCP, at Arsobispo ng Davao, ang Selebrasyon na dapat ay gaganapin sa Abril 21, 2021, ay magiging Isang Taong Selebrasyon na hanggang sa Abril 2022. Ito umano ay dahil sa kinakaharap na Pandemya sa ngayon. Ang Selebrasyon ng 500 Years of Christianity sa Bansa ay upang ipagdiwang ang Ika-500 Taon simula ng ganapin ang Unang Pagdiriwang ng Banal na Misa sa bansa, noong dumating si Ferdinand Magellan. Ito rin ay magiging isang Pagdiriwang ng mga naging Milestones ng Simbahang Katolika sa Bansa na ngayo'y isa sa itinuturing na pinakamalaking Katolikong Bansa sa Mundo, na may higit 80% ng Populasyon ay Katoliko. 

#PSEBalita | Cardinal Tagle, Nagnegatibo na sa COVID-19

Imahe
MAYNILA, Pilipinas | Nagnegatibo na sa COVID-19 ang Dating Cardinal ng Maynila at ngayo'y Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, Kanyang Kabunyian, Luis Antonio Cardinal Tagle. Ika-12 ng Setyembre ng mag-Positibo ang Cardinal sa COVID-19, nang siya ay umuwi sa bansa galing sa Vatican City upang dalawin ang kanyang Ina at mga Kamag-anak.  Matapos ang halos dalawang linggo ng isolation at gamutan, ay nagnegatibo na si Cardinal Tagle, kahapon, Setyembre 24, 2020. Ayon sa Pahayag ng CBCP, ay nasa maayos na kalagayan ang Cardinal at kinakailangan magpahinga at ipagpatuloy ang Home Quarantine, base na rin sa abiso ng mga Doktor. Ating ipanalangin ang butihing Cardinal, maging ang lahat ng mga patuloy na pinahihirapan ng COVID-19.

#PSEBalita | Pahayagan ni San Esteban Mobile App, Malapit nang Ilunsad!

Imahe
BAGAC, Bataan --- Malapit nang Ilunsad ang Bagong Mobile App na Pahayagan ni San Esteban.  Mayo ng taong ito nang Ibahagi ng Pahayagan ni San Esteban sa kanilang Facebook Page ang binabalak na Mobile Application na may layuning, hindi lamang para magbigay ng Updates at mga Balita, kundi maging ng mga PANALANGIN at ng MGA PAGBASA AT EBANGHELYO SA ARAW-ARAW na tiyak makakatulong lalo't higit ngayong Panahon ng Pandemya. Ayon sa Mobincube, ang Application Software ng Mobile App, maaari nang mailabas sa Publiko ang Mobile Application, bago matapos ang Taong ito. Ang Mobile App na ito ay unang ilalabas sa Mobincube App Store, at magiging available sa lahat ng mga Android Users. Sa mga susunod na buwan ay ilalabas din ito sa Google Play Store, at maging sa AppStore upang mas marami pa ang makagamit nito. Abangan ang Paglulunsad ng Mobile Application na ito, dito lang sa Pahayagan ni San Esteban! Siguruhing i-Follow, Like, at Subscribe ang mga sumusunod: Facebook: facebook.com...

#PSEBalita | Cardinal Tagle, Nagpositibo sa COVID-19

Imahe
MAYNILA, Pilipinas --- Nagpositibo sa COVID-19 ang kasalukuyang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples at dating Cardinal n Maynila na si Luis Antonio G. Cardinal Tagle.  Ayon sa inilabas na ulat ng CBCP, Huwebes ng dumating sa bansa ang Cardinal buhat sa Vatican. Siya ay agad na sumailalim sa mga protocols na inilabas ng IATF kabilang ang Mandatory PCR-Testing, kung saan siya nga ay nagpositibo.  Sa ngayon, si Cardinal Tagle ay ay Asymptomatic o walang pinapakitang sintomas ng COVID-19 at nasa isang Isolation Facility, at patuloy na nagpapagaling.  Ating Ipanalangin ang agaran niyang Paggaling.

#PSEBalita | Kaarawan ng Mahal na Birhen, Ipinagdiwang ng SFXP!

Imahe
BAGAC, Bataan ----- Ipinagdiwang noong Ika-08 ng Setyembre 2020, ang Kapistahan ng Pagsilang sa Mahal na Birheng Maria, sa Parokya ni San Framcisco Xavier at Santo Hannibal Maria di Francia (Parang, Bagac, Bataan). Ika-5:15 ng Umaga ng numpisahan ang Pagdiriwang sa Pamamagitan ng isang "Dawn Rosary" Procession, na dinaluhan ng mga Mananampalataya ng Parokya. Ang Prusisyon ay nagsimula sa Simbahan, hanggang sa tapat ng Bagac National High School, at bumalik paikot sa likod ng Simbahan, hanggang sa muli itong nagbalik sa Simbahan ng Parokya.  Matapos ang Prusisyon, ay nagbigay ng isan Maikli ngunit Makabuluhang Memsahe ang Kura-Paroko na si Reb. Padre Ricardo CaperiƱa, RCJ, na agad namang sinundan ng Pagdiriwang ng Banal na Misa alay sa Mahal na Birheng Maria. Ang Banal na Misa ay pinamunuan ni Reb. Padre Tommy Latina, RCJ. Nagkaroon din ng munting salo-salo ang lahat ng mga nakiisa, matapos ang Pagdiriwang ng Banal na Misa.  Sa kabuuan ay naging maayos at matagumpay ang Pagdir...