#PSEBalita | Cardinal Tagle, Nagnegatibo na sa COVID-19

MAYNILA, Pilipinas | Nagnegatibo na sa COVID-19 ang Dating Cardinal ng Maynila at ngayo'y Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, Kanyang Kabunyian, Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ika-12 ng Setyembre ng mag-Positibo ang Cardinal sa COVID-19, nang siya ay umuwi sa bansa galing sa Vatican City upang dalawin ang kanyang Ina at mga Kamag-anak. 

Matapos ang halos dalawang linggo ng isolation at gamutan, ay nagnegatibo na si Cardinal Tagle, kahapon, Setyembre 24, 2020. Ayon sa Pahayag ng CBCP, ay nasa maayos na kalagayan ang Cardinal at kinakailangan magpahinga at ipagpatuloy ang Home Quarantine, base na rin sa abiso ng mga Doktor.

Ating ipanalangin ang butihing Cardinal, maging ang lahat ng mga patuloy na pinahihirapan ng COVID-19.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SAN ESTEBAN: Maikling Kwento

#PSEBalita | PRUSISYON SA KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO XAVIER, KAKAIBA SA MGA NAKARAANG PAGDIRIWANG!

MGA PAGBASA | Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal