#PSEBalita | Selebrasyon ng 500 Years of Christianity, magiging Isang Taon na!

MAYNILA, Pilipinas | Gagawin nang Isang Taong Selebrasyon ang Pagdiriwang ng 500 Years of Christianity sa Bansa, dahil sa dinaranas na Pandemya.

Ayon sa Pahayag ni Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng CBCP, at Arsobispo ng Davao, ang Selebrasyon na dapat ay gaganapin sa Abril 21, 2021, ay magiging Isang Taong Selebrasyon na hanggang sa Abril 2022. Ito umano ay dahil sa kinakaharap na Pandemya sa ngayon.

Ang Selebrasyon ng 500 Years of Christianity sa Bansa ay upang ipagdiwang ang Ika-500 Taon simula ng ganapin ang Unang Pagdiriwang ng Banal na Misa sa bansa, noong dumating si Ferdinand Magellan. Ito rin ay magiging isang Pagdiriwang ng mga naging Milestones ng Simbahang Katolika sa Bansa na ngayo'y isa sa itinuturing na pinakamalaking Katolikong Bansa sa Mundo, na may higit 80% ng Populasyon ay Katoliko. 



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SAN ESTEBAN: Maikling Kwento

#PSEBalita | PRUSISYON SA KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO XAVIER, KAKAIBA SA MGA NAKARAANG PAGDIRIWANG!

MGA PAGBASA | Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal