#PSEBalita | Cardinal Tagle, Nagpositibo sa COVID-19
MAYNILA, Pilipinas --- Nagpositibo sa COVID-19 ang kasalukuyang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples at dating Cardinal n Maynila na si Luis Antonio G. Cardinal Tagle.
Ayon sa inilabas na ulat ng CBCP, Huwebes ng dumating sa bansa ang Cardinal buhat sa Vatican. Siya ay agad na sumailalim sa mga protocols na inilabas ng IATF kabilang ang Mandatory PCR-Testing, kung saan siya nga ay nagpositibo.
Sa ngayon, si Cardinal Tagle ay ay Asymptomatic o walang pinapakitang sintomas ng COVID-19 at nasa isang Isolation Facility, at patuloy na nagpapagaling.
Ating Ipanalangin ang agaran niyang Paggaling.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento