#PSEBalita | Kaarawan ng Mahal na Birhen, Ipinagdiwang ng SFXP!
BAGAC, Bataan ----- Ipinagdiwang noong Ika-08 ng Setyembre 2020, ang Kapistahan ng Pagsilang sa Mahal na Birheng Maria, sa Parokya ni San Framcisco Xavier at Santo Hannibal Maria di Francia (Parang, Bagac, Bataan).
Ika-5:15 ng Umaga ng numpisahan ang Pagdiriwang sa Pamamagitan ng isang "Dawn Rosary" Procession, na dinaluhan ng mga Mananampalataya ng Parokya. Ang Prusisyon ay nagsimula sa Simbahan, hanggang sa tapat ng Bagac National High School, at bumalik paikot sa likod ng Simbahan, hanggang sa muli itong nagbalik sa Simbahan ng Parokya.
Matapos ang Prusisyon, ay nagbigay ng isan Maikli ngunit Makabuluhang Memsahe ang Kura-Paroko na si Reb. Padre Ricardo CaperiƱa, RCJ, na agad namang sinundan ng Pagdiriwang ng Banal na Misa alay sa Mahal na Birheng Maria. Ang Banal na Misa ay pinamunuan ni Reb. Padre Tommy Latina, RCJ.
Nagkaroon din ng munting salo-salo ang lahat ng mga nakiisa, matapos ang Pagdiriwang ng Banal na Misa.
Sa kabuuan ay naging maayos at matagumpay ang Pagdiriwang sa Kapistahan ng Pagsilang sa Mahal na Birheng Maria.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento