#PSEBalita | Bagong Apostolic Nuncio sa Pilipinas, Itinalaga ni Pope Francis!
Lungsod VATICANO | Itinalaga na ni Pope Francis si Archbishop Charles John Brown, D.D., bilang bagong Apostolic Nuncio sa Pilipinas, noong Kunes, Ika-28 ng Setyembre 2020.
Ika-16 ng Nobyembre noong nakaraan taon ng mabakante ang posisyon ng Apostolic Nuncio sa bansa nang maitalaga ang noo'y Nuncio na si Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa United Nations sa New York, bilang Permanent Observer of the Holy See.
Si Arcrbishop Brown ay ipinanganak sa Amerika noong Oktubre 13, 1959 at naordinahang pari noong Mayo 13, 1989. Taong 2011, nang siya ay italaga ni Pope Benedict XVI bilang Apostolic Nuncio sa Ireland, na naging dahilan ng kanyang pagiging isang Arsobispo. Taong 2017 naman nang siya ay maitalaga ni Pope Frqncis bilang Apostolic Nuncio sa Albania.
Ating ipanalangin ang bagong Apostolic Nuncio, at ang ating Inang Simbahan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento