Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2022

#AngWikaNiya | PAGNINILAY | Unang Linggo ng Adbiyento (A)

Imahe
Kailan nga ba darating ang Panginoon?  Mga Kapatid, tayo ngayon ay papasok na sa Bagong Taon ng ating Inang Simbahan. Muli nanamang iikot ang Panahong-Liturhikal ng Simbahan na pangungunahan ng Panahon ng Adbiyento, ang Panahon ng Paghahanda sa Pagdating ng Manunubos. Ang ating Ebanghelyo at mga Pagbasa ngayong Linggo ay nakatuon sa kung ano ang mga mangyayari sa Pagbabalik ni Hesus.  Sa Unang Pagbasa, inanyayahan tayo ni Propeta Isaias na magbalik-loob sa Panginoon "upang malaman natin ang kanyang mga daan at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas." (Is 2) Sa Ikalawang Pagbasa, sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma, tayo ay pinaghahanda at binabalaan na gumising na sa pagkakatulog, sapagkat ang Panginoon ay darating na. Layuan ang kasalanan at hayaang manalig si Hesus sa ating buhay.  At sa ating Ebanghelyo, ang Panginoong Hesus mismo ang nagsabi na ang Pagbabalik ng Anak ng Tao sa Sanlibutan "ay matutulad sa pagdating ng baha noong panahon ni ...

#AngWikaNiya | MGA PAGBASA AT EBANGHELYO | Unang Linggo ng Adbiyento (A)

Imahe
Unang Pagbasa: Isaias 2:1-5 Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem: Sa mga huling araw, ang bundok na kinatatayuan ng Templo ng Panginoon ay mamumukod sa taas sa lahat ng bundok. Daragsa sa kanya ang lahat ng bansa. Ang maraming taong lalapit sa kanya ay magsasabi ng ganito: “Halikayo, umahon tayo sa bundok ng Panginoon, sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang malaman natin ang kanyang mga daan at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas.  Sapagkat sa Sion magmumula ang Kautusan, at sa Jerusalem, ang salita ng Panginoon.” Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng kapayapaan. Kung magkagayon, gagawin na nilang sudsod ang kanilang mga tabak, at karit ang kanilang mga sibat. Wala nang magsasanay sa pakikibaka at mawawala na ang mga digmaan. Halina kayo, sambahayan ni Jacob, at tayo’y lumakad sa liwanag ng Panginoon.  Salmo: Awit 121 Tugon:  Masaya tayong papasok              sa...

#PSESpecials | ADVIENTO NA!

Imahe
Ngayong Linggo, ay papasok nanaman tayo sa isang Panibagong Taon ng ating Inant Simbahan. Muli nanamang iikot ang mga Panahong-Liturhikal. At ang Pinakauna sa mga Panahon, ay ang Panahon ng Adbiyento.  Tama po. ADBIYENTO, HINDI PASKO! Ang Adbiyento ay nagsimula sa wikang Latin na "Adventus", na nangamgahulugang "Pagdating". Sa ating Panahong Liturhikal, ang Adbiyento ay isang Panahon ng Paghahanda.  Sa Panahong ito, inaayayahan tayo ng Simbahan na Ihanda ang ating mga Sarili para sa nalalapit na Pagdating ng Manunubos, ng Salitang Nagkatawang-tao.  At tuwing Panahon ng Adbiyento, ay may nakikita tayong isang kakaibang elemto o dekorasyon sa loob ng Simbahan. Ito ay karaniwang Bilog, may dekorasyong kulay-Luntian, at mayroong Apat o Limang Kandila na may Kulay na Ube, Rosas, at Puti. Ito ang KORONA NG ADBIYENTO.  Ano nga ba ang Korona ng Adbiyento? Ito ay ang magiging katuwang natin sa ating Paghahanda sa nalalapit na Pagdating ng Mesiyas, ng Manunubos....

#AngWikaNiya | MGA PAGBASA AT EBANGHELYO | Dakilang Kapistahan ni Kristo, Hari ng Sanlibutan (K)

Imahe
Unang Pagbasa: 2 Samuel 5:1-3 Noong mga araw na iyon, nagkaisa ang lahat ng angkan ng Israel na pumunta sa Hebron upang makipagkita kay David. Sinabi nila, “Kami’y laman ng iyong laman at dugo ng iyong dugo. Nang si Saul ang hari namin, nanguna ka sa mga kawal ng Israel sa pakikipagdigma. Ipinangako sa iyo ng Panginoon na gagawin ka niyang hari upang mamuno sa kanyang bayan.”  Lahat ng matatanda ng Israel ay nagpunta nga sa Hebron at doo’y nakipagkasundo sa kanya sa harapan ng Panginoon. Binuhusan nila ng langis si David at kinilalang hari sa Israel.  Salmo: Awit 121 Tugon: Masaya tayong papasok              sa tahanan ng Poong D’yos! Ako ay nagalak, sa sabing ganito:  “Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”  Sama-sama kami matapos sapitin,  ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem.  Dito umaahon ang lahat ng angkan,  lipi ni Israel upang magsambahan,  ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,  pagk...

#AngWikaNiya | PAGNINILAY | Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Imahe
Nalalapit na ang wakas.  Ito ang nais na iparating sa atin ng ating Ebanghelyo ngayong Linggo. Malapit na ang katapusan. Ngunit kailan? Mababasa natin sa Ebanghelyo ni San Lucas na hindi direktang sinabi ni Hesus kung kailan ang Wakas. Hindi sya nagbanggit ng eksaktong araw, buwan, taon, o oras. Bagkus, ang kanya lamang binanggit ay ang mga senyales o ang mga maaaring maganap na magbibigay hudyat na narito na ang wakas.  “Makikipagdigma ang bansa laban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, magkakagutom at magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kagila-gilalas na tanda buhat sa langit." (Lucas 21) Nagbigay babala rin si Hesus, na ang kanyang mga tagasunod ay darakpin at uusigin, lilitisin at ipapabilanggo, at ipagkakanulo kahit ng sariling pamilya. Tunay nga na nakakatakot ang pagdating ng wakas.  Ngunit kapatid ko, dapat nga ba na tayo ay matakot sa pagdating na ito ng ...

#AngWikaNiya | MGA PAGBASA AT EBANGHELYO | Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Imahe
Unang Pagbasa: Malakias 3:19–20a “Tandaan ninyo, darating ang araw na lilipulin ko ang mga palalo at masasama. Sa araw na yaon, matutupok silang gaya ng dayami at walang matitira sa kanila,” sabi ng Panginoon. “Ngunit kayo na sumusunod sa akin ay ililigtas ko at pagagalingin ng aking kapangyarihan na lulukob sa inyo, gaya ng sinag ng araw.” Salmo: Awit 97 Tugon: Poong Hukom ay darating,               taglay katarungan natin. Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,  ang Panginoo’y purihin ng tugtuging maalindog.  Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,  magbunyi tayo sa harap ng Panginoong s’yang Hari.  Umingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy,  umawit ang daigdigan at lahat ng naroroon.  Umugong sa palakpakan pati yaong kalaliman;  umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan.  Sa harap ng Panginoon masaya tayong umawit,  pagkat siya’y dumarating maghahari sa daigdig...

#AngWikaNiya | MGA PAGBASA AT EBANGHELYO | Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Imahe
Unang Pagbasa: 2 Macabeo 7:1–2.9–14 Noong mga araw na iyon, isang ina at ang kanyang pitong anak na lalaki ang ipinahuli ng hari. Sila’y pinahirapan para piliting kumain ng karneng baboy na ipinagbabawal ng Diyos. Isa sa mga anak ang nangahas tumayo at nagsalita, “Ano ba ang inyong ibig mangyari sa pagpapahirap sa amin? Matamis pa sa amin ang mamatay kaysa lumabag sa mga kautusan ng aming ninuno!” Bago namatay, sinabi ng ikalawang anak nang malakas sa hari, “Kasumpa-sumpang halimaw! Maaari mong kunin ang buhay namin dito sa lupa, ngunit bubuhayin kaming muli ng Hari ng buong daigdig upang hindi na muling mamatay, sapagkat sinusunod namin ang kanyang mga utos.”  Ganoon ding parusa ang sinapit ng ikatlong anak. Noong siya’y utusang ilawit ang kanyang dila, ginawa niya ito agad at walang atubiling iniabot ang kanyang mga kamay. Ganito ang sinabi niya, “Tinanggap ko ang mga kamay na ito buhat sa langit. Subalit mas mahalaga para sa akin ang mga utos ng Diyos, at umaasa akon...