#AngWikaNiya | PAGNINILAY | Unang Linggo ng Adbiyento (A)


Kailan nga ba darating ang Panginoon? 

Mga Kapatid, tayo ngayon ay papasok na sa Bagong Taon ng ating Inang Simbahan. Muli nanamang iikot ang Panahong-Liturhikal ng Simbahan na pangungunahan ng Panahon ng Adbiyento, ang Panahon ng Paghahanda sa Pagdating ng Manunubos.

Ang ating Ebanghelyo at mga Pagbasa ngayong Linggo ay nakatuon sa kung ano ang mga mangyayari sa Pagbabalik ni Hesus. 

Sa Unang Pagbasa, inanyayahan tayo ni Propeta Isaias na magbalik-loob sa Panginoon "upang malaman natin ang kanyang mga daan at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas." (Is 2)

Sa Ikalawang Pagbasa, sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma, tayo ay pinaghahanda at binabalaan na gumising na sa pagkakatulog, sapagkat ang Panginoon ay darating na. Layuan ang kasalanan at hayaang manalig si Hesus sa ating buhay. 

At sa ating Ebanghelyo, ang Panginoong Hesus mismo ang nagsabi na ang Pagbabalik ng Anak ng Tao sa Sanlibutan "ay matutulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe." (Mt 24) Katulad ng baha noong panahon ni Noe na isinawalang bahala ng mga taong hindi naniniwala sa kanya. Kung kaya't sa pagdating ng Baha ang lahat ay nabigla at hindi nakapaghanda. 

Malapit nang dumating si Hesus. Huwag sana nating tularan ang mga taong nagsawalang kibo sa babala at paanyaya ni Noe. May panahon oa tayo upang magbago, magbalik-loob, at maghanda. May panahon pa tayo upang ipagkaloob sa Diyos ang ating buhay. 

Kailan nga ba darating ang Panginoon? 

Narito ang sagot ni Hesus,

"Kaya maging handa kayong lagi, sapagka’t darating ang Anak na Tao sa oras na di ninyo inaasahan.” (Mt 24:44)


= ngd26112022 =

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SAN ESTEBAN: Maikling Kwento

#PSEBalita | PRUSISYON SA KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO XAVIER, KAKAIBA SA MGA NAKARAANG PAGDIRIWANG!

MGA PAGBASA | Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal