#PSESpecials | ADVIENTO NA!


Ngayong Linggo, ay papasok nanaman tayo sa isang Panibagong Taon ng ating Inant Simbahan. Muli nanamang iikot ang mga Panahong-Liturhikal. At ang Pinakauna sa mga Panahon, ay ang Panahon ng Adbiyento. 

Tama po. ADBIYENTO, HINDI PASKO!

Ang Adbiyento ay nagsimula sa wikang Latin na "Adventus", na nangamgahulugang "Pagdating". Sa ating Panahong Liturhikal, ang Adbiyento ay isang Panahon ng Paghahanda. 

Sa Panahong ito, inaayayahan tayo ng Simbahan na Ihanda ang ating mga Sarili para sa nalalapit na Pagdating ng Manunubos, ng Salitang Nagkatawang-tao. 

At tuwing Panahon ng Adbiyento, ay may nakikita tayong isang kakaibang elemto o dekorasyon sa loob ng Simbahan. Ito ay karaniwang Bilog, may dekorasyong kulay-Luntian, at mayroong Apat o Limang Kandila na may Kulay na Ube, Rosas, at Puti. Ito ang KORONA NG ADBIYENTO. 

Ano nga ba ang Korona ng Adbiyento?

Ito ay ang magiging katuwang natin sa ating Paghahanda sa nalalapit na Pagdating ng Mesiyas, ng Manunubos. 

Ang Hugis nitong BILOG o tila isang KORONA, ay sumasagisag sa Walang Hanggang Paghahari ng Diyos sa Mundo. Ang Diyos na Siyang Simula at Wakas. Ang Alpha at Omega. 

Ang Kulay na LUNTIAN naman ay sumisimbolo sa Buhay. Buhay na dulot ng Diyos. Buhay na kanyang kaloob sa ating Lahat. 

Ang mga KANDILA naman ay may kanya-kanya ring Kahulugan:
a.) Unang Kandila: PAG-ASA. Ito ay sinisindihan sa Unang Linggo ng Adbiyento at nangangahulugan ng ating Pag-asang tutuparin ng Diyos ang Kanyang Pangakong pagsugo sa kanyang Bugtong na Anak na si Hesus.

b.) Ikalawang Kandila: KAPAYAPAAN. Ito ay sinisindihan tuwing Ikalawang Linggo ng Adbiyento at nangangahulugan na si Kristo, ang darating na Manunubos, ay ang Prinsipe ng Kapayapaan at matatanggap lamang natin Siya kung tayo ay may Kapayapaan sa ating Puso. 

c.) Ikatlong Kandila: KAGALAKAN. Ito ay sinisindihan tuwing Ikatlong Linggo ng Adbiyento (Linggo ng Gaudete). Sinasagisag nito ang Galak dulot ng nalalapit na Pagdating ni Hesus. Hindi lang Saya, kundi Galak. Galak na mula sa Puso at totoong totoo. 

d.) Ika-Apat na Kandila: PAG-IBIG. Ito ay sinisindihan tuwing Ika-Apat na Linggo ng Adbiyento. Sa ilang Simbahan ay ito na ang huling Kandilang sisindihan sa Korona ng Adbiyento. Sinasagisag nito na "Ang Diyos ay Pag-ibig" at hindi natin ganap na matatanggap si Hesus sa ating Buhay kung walang Pag-Ibig sa ating mga Puso. 

e.) Ikalimang Kandila: LIWANAG NI KRISTO. Ito ay sinisindihan sa Pagdiriwang ng Hating-habi ng Pagsilang ng Panginoon o sa Gabi ng Disyembre 24. Hindi ito orihinal na bahagi ng Korona ng Adbiyento sapagkat sinasagisag na nito ang Pagdating ni Hesus samantalang ang Korona ay simbolo ng Paghihintay at Paghahanda. Sagisag ito ng Liwanag ni Kristo na siyang Magniningning sa Mundo. Liwanag na siyang sasakop sa atin. Liwanag na magliligtas sa atin sa Dilim. 

Ang Panahon ng Adbiyento ay Panahon ng Paghahanda at Paghihintay. Nalalapit na ang kanyang Pagdating!

Maghanda! Siya ay parating na!


- ngd26112022 -




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SAN ESTEBAN: Maikling Kwento

#PSEBalita | PRUSISYON SA KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO XAVIER, KAKAIBA SA MGA NAKARAANG PAGDIRIWANG!

MGA PAGBASA | Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal