Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2020

#PSEBalita | Archbishop Charles Brown, Magdaraos ng Misa de Gallo

Imahe
MALATE, Lungsod ng Maynila ----- Magdaraos ng Misa de Gallo sa kauna-unahang pagkakataon ang Bagong Apostolic Nuncio sa Pilipinas na si Archbishop Charles John Brown. Ayon sa CBCP News, ang Apostolic Nuncio ay magdaraos ng Misa de Gallo sa Parokya ni San Antonio de Padua, sa Maynila, bukas, Disyembre 18, 2020, sa ganap na Ika-5:30 N.U. Ito rin ang magiging kauna-unahang PamPublikong Misa na idaraos ng Apostolic Nuncio buhat ng siya ay dumating sa bansa. Ang Parokya ni San Antonio de Padua sa Maynila ay ang Parokyang nakakasakop sa Apostolic Nunciature. Ang Misa de Gallo ay isang Tradisyong tunay na Pilipino. Ito ay Siyam na Araw na Pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria, sagisag ng Siyam na Buwan niyang pagdadala sa ating Panginoong Hesus. Ito rin ay nagbibigay daan upang mas mapaghandaan ang Pagdating ng Manunubos.

#PSEBalita | 'Taon ni San Jose', Idineklara ng Santo Papa

Imahe
Lungsod VATICANO ----- Idineklara ng Santo Papa Francisco ang 'Taon ni San Jose' na magsisimula ngayong Ika-08 ng Disyembre 2020 hanggang sa Ika-08 ng Disyembre 2021. Ayon sa Liham-Apostoliko na inilabas ng Santo Papa, na may pamagata na "Pateis Corde" (With a Father's Heart), idineklara ng Santo Papa ang 'Taon ni San Jose' bilang paggunita sa Ika-150 Taong Anibersaryo ng pagkakatalaga kay San Jose bilang Pintakasi ng Pang-Unibersal na Simbahan. Inilarawan naman sa liham si San Jose bilang isang "...minamahal na Ama, maalaga at mapagmahal na Ama, isang masunuring Ama...; isang Amang matapang, at isang Amang gumagawa...". Ang liham ay isinulat at inilabas ng minamahal na Santo Papa, habang ang mundo ay dumaranas ng Pandemya, na ayon sa Santo Papa ay isang magandang pagkakataon upang kilalanin ang mga ordinaryong tao.  Nawa ang Taong ito na nakalaan sa isang Amang nakahandang magsakripisyo at umagapay na si SAN JOSE, ay maging mabunga a...

#PSEBalita | PRUSISYON SA KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO XAVIER, KAKAIBA SA MGA NAKARAANG PAGDIRIWANG!

Imahe
BAGAC, Bataan ----- Isinagawa kahapon, Ika-03 ng Disyembre 2020, ang Prusisyon ng Orihinal na Imahen ni San Francisco Xavier ng Barangay Parang ng nasabing bayan. Kasama rin sa Prusisyon ang Imahen ni Santo Hannibal Maria di Francia, ang Segunda Patron ng Parokya.  Maliban sa pinagdaraanan nating Pandemya ngayon, ay sinasabing naging kakaiba ang isinagawang Prusisyon na nataon sa Pagdiriwang ng Ika-40 Taong Anibersaryo ng pagiging Parokya ng simbahan. Simula kasi ng maging Parokya ang noo'y Kapilya ni San Francisco Xavier sa Parang, ay ngayon lamang nailibot ang Imahen sa buong nasasakupang Parokya (maliban sa Matalangao). Ganap na ika-5:30 ng Hapon nang ilabas sa Simbahan ang mga Imahen, na binigyang hudyat naman ng pagpapatunog sa Kampana ng Simbahan. Ito ay unang iniikot hanggang sa Arko ng Bayan ng Bagac na nasa Tulay ng Culvo. Iniikot din ang Prusisyon sa likod ng Simbahan, pabalik sa National Road. Binaybay ng Prusisyon ang kaha...