#PSEBalita | 'Taon ni San Jose', Idineklara ng Santo Papa
Lungsod VATICANO ----- Idineklara ng Santo Papa Francisco ang 'Taon ni San Jose' na magsisimula ngayong Ika-08 ng Disyembre 2020 hanggang sa Ika-08 ng Disyembre 2021.
Ayon sa Liham-Apostoliko na inilabas ng Santo Papa, na may pamagata na "Pateis Corde" (With a Father's Heart), idineklara ng Santo Papa ang 'Taon ni San Jose' bilang paggunita sa Ika-150 Taong Anibersaryo ng pagkakatalaga kay San Jose bilang Pintakasi ng Pang-Unibersal na Simbahan.
Inilarawan naman sa liham si San Jose bilang isang "...minamahal na Ama, maalaga at mapagmahal na Ama, isang masunuring Ama...; isang Amang matapang, at isang Amang gumagawa...".
Ang liham ay isinulat at inilabas ng minamahal na Santo Papa, habang ang mundo ay dumaranas ng Pandemya, na ayon sa Santo Papa ay isang magandang pagkakataon upang kilalanin ang mga ordinaryong tao.
Nawa ang Taong ito na nakalaan sa isang Amang nakahandang magsakripisyo at umagapay na si SAN JOSE, ay maging mabunga at maging isang Taon na puno ng pagmamahal at kapayapaan. Sa pamamagitan din nawa ng taong ito, ay mas lalo nating kilalanin ang Sakripisyo, hindi lamang ng mga taong nagmamahal sa atin, kundi pati ng mga taong tumutulong sa atin uoang malagpasan ang Pandemyang ating dinaranas ngayon.
Nawa tulad ni San Jose, na sa kabila ng kanyang katahimikan, at sa kabila ng mga paghihirap, tayo rin nawa ay huwag makalimot na patuloy na sumunod, magtiwala, at mag-alay ng sarili sa Diyos.
San Jose, minamahal na Esposo ng Mahal na Birhen, at butihing Amain ni Kristo Hesus, IPANALANGIN MO KAMI.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento