#PSEBalita | Archbishop Charles Brown, Magdaraos ng Misa de Gallo

MALATE, Lungsod ng Maynila ----- Magdaraos ng Misa de Gallo sa kauna-unahang pagkakataon ang Bagong Apostolic Nuncio sa Pilipinas na si Archbishop Charles John Brown.

Ayon sa CBCP News, ang Apostolic Nuncio ay magdaraos ng Misa de Gallo sa Parokya ni San Antonio de Padua, sa Maynila, bukas, Disyembre 18, 2020, sa ganap na Ika-5:30 N.U.

Ito rin ang magiging kauna-unahang PamPublikong Misa na idaraos ng Apostolic Nuncio buhat ng siya ay dumating sa bansa. Ang Parokya ni San Antonio de Padua sa Maynila ay ang Parokyang nakakasakop sa Apostolic Nunciature.

Ang Misa de Gallo ay isang Tradisyong tunay na Pilipino. Ito ay Siyam na Araw na Pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria, sagisag ng Siyam na Buwan niyang pagdadala sa ating Panginoong Hesus. Ito rin ay nagbibigay daan upang mas mapaghandaan ang Pagdating ng Manunubos.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SAN ESTEBAN: Maikling Kwento

#PSEBalita | PRUSISYON SA KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO XAVIER, KAKAIBA SA MGA NAKARAANG PAGDIRIWANG!

MGA PAGBASA | Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal