#AngWikaNiya | PAGNINILAY | Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)


Sa ating Ebanghelyo ngayon, ay ipinapaalala sa atin ni Hesus sa pamamagitan ng isang talinghaga ang kahalagahan ng Pagpapakumbaba. 

Ipinapakita sa atin ng Panginoon na tunay na kinalulugdan ng Diyos ang isang taong marunong magpakumbaba at Hindi nagyayabang. 

Mas kinalulugdan ng Diyos ang taong umaako ng kanyang kasalanan at humihingi ng Kapatawaran, kaysa sa taong pumupuri sa sarili para sa kanyang mga nagawa, at nangmamata sa iba. 

Bilang mga Katoliko, mga alagad ni Kristo Hesus, tayo nawa ay matutong maging mapagpakumbaba. Huwag tayong maging mapagmataas o mapagmalaki. Tahimik tayong tumulong, kahit na wala nang iba pa ang makaalam. Tahimik tayong mag-ayuno nang hindi pakitang-tao lamang. Tahimik tayong magkaloob, at huwag na nating ipagsabi pa.

Sabi nga sa huling bahagi ng Ebanghelyo ngayon, "Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.” (Lucas 18:14)

Sumaatin nawa ang Kapayapaan. 


= ngd23102022 =

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SAN ESTEBAN: Maikling Kwento

#PSEBalita | PRUSISYON SA KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO XAVIER, KAKAIBA SA MGA NAKARAANG PAGDIRIWANG!

MGA PAGBASA | Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal