#AngWikaNiya | PAGNINILAY | Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Naalala ko noon tuwing Oktubre, Buwan ng Santo Rosario, ay ginaganap ang "Block Rosary". Ito ay isa nang Tradisyon sa Kapilya ni San Esteban, Unang Martir, kung saan inililibot bahay-bahay sa buong Binukawan ang mga imahen ng Mahal na Birhen at magdarasal ng Santo Rosario sa bawat tahanang pagpapanhikan ng Birhen bago ito lumisan.
Napakagandang kaugalian na talagang inaabangan noon. Ngunit ngayon, ay makikita ang kakaunti na lamang na sumasama at nakikilahok sa gawaing ito.
Naalala ko rin noon, sa araw-araw, sa Katedral ng Balanga tuwing ika-6 na Oras ay tutunog ang kampana at darasalin ang "Orasyon" kung saan ang lahat ng tao sa Plaza, ang lahat ng mga sasakyan sa kalsada, at ang lahat ng mga may ginagawa, ay panandaliang hihinto at mananalangin. Tila humihinto ang Oras para maglaan ng Panalangin.
Napakagandang kaugalian na talagang ginagawa noon. Ngunit ngayon, ay iilan na lamang ang nagbibigay galang at oras sa "Orasyon".
Nalimutan na ba natin ang halaga ng Pagdarasal? Nalimutan na ba nating makipag-usap sa Diyos?
Sa ating Ebanghelyo ngayon, ipinapaalala sa atin ang Kapangyatihan ng Panalangin. Kung paanong sa pananalangin, ay diringgin tayo ng Panginoon. May pagkakataon man na hindi ganap na maipagkaloob ang ating hinihiling, ay tiyal namang ang sagot niya'y para sa ating higit na ikabubuti.
Huwag nating kalilimitan ang manalangin,sa ating paggising, bago at pagkatapos kumain, sa bawat nating ginagawa, at sa tuwing bago tayo matulog.
Tandaan natin na ang sa ating pananalangin, tayo ay diringgin. Ang buhay na nakatuon sa Pananalangin ay buhay magdudulot sa ating maging mas malapit sa Kanya, sa isang buhay na nakatuon kay Kristo, dahil kay Kristo, para kay Kristo.
Sumaatin nawa ang Kapayapaan!
= ngd16102022 =
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento