#AngWikaNiya | PAGNINILAY | Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)


PAGNINILAY:
Mayroong mga pagkakataon sa buhay na tayo ay nadarapa, na tayo ay nakakaranas ng pagkalugmok, na tayo ay nahihirapan. Sa mga pagkakataong ito, madalas, kapag wala na tayong ibang alam na solusyon, tayo ay lumalapit at naninikluhod sa Panginoon. Tila ba wala na tayong ibang "choice" kundi ang lumapit sa Kanya at manalig.

May mga pagkakataon naman sa buhay na sa tuwing ang ating hinihiling ay pagbigyan Niya, sa panahon ng saya at tagumpay, ay atin tila ba napakadali na lamang sumampalataya sa Kanya, na-o"overwhelm" tayo sa labis na saya hanggang sa makalimutan na natin Siya. 

Madalas, ang buhay natin ay ganito. Marami sa atin ang ganito. May pagkakataong sintayog ng puno ang ating Pananalig sa Panginoon, na tayo'y umaabot sa punto na tayo ay nagiging mapagmalaki o mayabang. May pagkakataon din namang halos wala na tayong pananampalataya sa Kanya, na tayo ay humahantong sa pagdududa at kawalang tiwala.

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo ngayong Linggo, pinapaalalahanan tayo na ang ating pananampalataya ay higit kaysa sa atin. Sinabi ng Panginoon, "Kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito, ‘Mabunot ka, at matanim sa dagat!’ at tatalima ito sa inyo." (Lk 17:6).  Pinapaalalahanan tayo na kahit maliit o kakaunti lamang ang ating pananalig sa Kanya, basta hahayaan lamang natin itong kumilos sa ating buhay, hahayaan natin na ang buto ng mustasa ay lumago, marami tayong magagawa, malaki ang ating magiging ambag. 

Aanhin natin ang matayog na pananampalataya na sa sobrang tayog ay hindi na natin makita at maabot ang mga nasa ibaba. Mas mabuti pang magkaroon ng maliit na pananampalatayang kumikilos upang makasamang mapasigka at mapalago ang pananampalataya ng iba. 

At sa huli, kapag atin nang nagawa ang ating Misyon sa buhay, ang maakay ang mga nasa pagid natin na patuloy na manalig sa Panginoon, ating masasabi: "Ako'y aliping walang kabuluhan, tumutupad lamang ako sa aking tungkulin." (Lk 17:10)

=ngd20221002=

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

SAN ESTEBAN: Maikling Kwento

#PSEBalita | PRUSISYON SA KAPISTAHAN NI SAN FRANCISCO XAVIER, KAKAIBA SA MGA NAKARAANG PAGDIRIWANG!

MGA PAGBASA | Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal