#PSEBalita | PADRE RONIE, NAKAALIS NA
![Imahe](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgtmqOfmUetEzoQPnVsk6x8-5YmZrzNjh62O92HHJPDXOT3S_QKb3-jGiS9HgXbNnOcNdPhyphenhyphen_Bsw4qvAbWXGXstDq0dX_hG2MKmQM-AIZmSP3P_vzRR9e3Vb0ZsVuezPHKKPECCyvUQxeA/s1600/1606099747682425-0.png)
BAGAC, Bataan-----Madaling araw ng Lunes, Nobyembre 23, nang umalis si Rev. Fr. Ronie Durens Gumagay, RCJ, sa Parokya ni San Francisco Xavier at Santo Hannibal Maria di Francia, Barangay Parang, sa bayang ito. Matatandaang Hunyo ng nakaraang Taon nang dumating si Fr. Ronie sa ating Parokya kasama si Rev. Fr. Tommy Latina, RCJ, para magsilbi bilang mga Parochial-Vicar ng Parokyang nasa ilalim ng pangangalaga ng mga Paring Rogasyonista. Ayon sa pahayag ng Kura-Paroko at Superior ng Misyong-Rogate sa Bataan na si Rev. Fr. Ricardo CaperiƱa, RCJ, ilang araw pa lamang ang nakalipas nang dumating ang sulat ukol sa magiging bagong Misyon ni Fr. Ronie. Isinaad din niya na bago magtungo sa Poland si Fr. Ronie ay kinakailangan muna niyang mag-sanay sa Italya ng Anim na Buwan. Dalawang Taon mananatili sa Poland si Fr. Ronie, kung kaya't bago mangibang-bansa ay magbabakasyon muna siya sa Cebu, kung nasaan ang kanyang minamahal na Ina. Bago ang kanyang pag-alis sa Parang, ay nagdaos si Fr...