#PSEAnunsyo | ORAS NG MISA SA SFXP-Parang
Muling Pinayagan ang pagbubukas ng Banal na Misa sa Publiko sa buong Diyosesis ng Balanga, ayon sa Pahayag ng Lub. Kgg. RUPERTO C. SANTOS, D.D., SThL, Obispo ng Balanga.
Muling isinaepektibo ng minamahal na Obispo ang Direktibang-Pastoral Blg. 9, na naglalaman ng Pagbubukas ng Pinto ng Simbahan para sa mga Nagnanais magsimba. Sa Direktiba ring ito nakatala ang mga alituntunin sa Pagdalo sa Banal na Pagdiriwang, maging ang pagbibigay pahintulot sa mga Kura-Paroko na magtakda ng Bilang ng mga Maaaring Magsimba, at Bilang ng mga Isasagawang Pagdiriwang.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento