#PSEBalita | Archbishop Oscar Cruz, Pumanaw na
Pumanaw na noong Agosto 26 ang Lub. Kgg. na Arsobispo, OSCAR CRUZ, dahil sa edad na 85. Ayon sa inilabas na ulat ng CBCP News, pumanaw ang Arsobispo sa Cardinal Santos Hospital dahil sa iniinda nitong malubhang Karamdaman. Si Archbishop Cruz ay isang tunay na BataeƱo o Anak ng Bataan. Siya ay isinilang noong Nobyembre 17, 1934, sa noo'y Bayan ng Balanga, Bataan. Nakilala si Arch. Cruz dahil sa kanyang taglay na Tapang sa Pagbibigay ng Kritisismo sa mga kilalang Pulitiko, kabilang na ang dating mga Pangulo ng Bansa na sina Joseph Estrada, Gloria Arroyo, Noynoy Aquino, at maging si Pangulong Duterte. Kilala rin siya sa kanyang pagpuna at kritisismo maging sa mga tao sa loob ng Simbahang Katolika. "Sa ilaw na Walang Hanggan, Kapayapaan kailanma'y pagkamitin ng Maykapal. ang giliw naming Arsobispo, sa piling ng Poong Mahal."