Nang marinig ng mga Hudyo ang pagsasalaysay ng mga aral ng Panginoon sa bibig ng isang Kristiyano ay nagngitngit ang kanilang mga puso at nagngalit ang kanilang mga ngipin. “Tingni,” wika ng Kristiyanong ito, “nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng Tao ay nakatayo sa kanan ng Diyos.” Naghiyawan nang malakas ang mga Hudyo, tinakpan ang kanilang mga tainga, at sabay-sabay siyang sinunggaban at kinaladkad sa labas ng bayan upang batuhin. Bago siya nalagutan ng hininga, nagdasal ang Kristiyano: “Panginoong Jesus, tanggapin Mo ang aking kaluluwa. Huwag Mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito.” Iyan ang pagkamartir ni SAN ESTEBAN, isa sa pitong diakonong pinili ng mga Apostol, na namatay at naging unang martir noong taong 34 humigit-kumulang. Ang diakono ay katulong ng mga Apostol sa pag-aalaga ng mga maralit at sa pangangaral sa mga tao. Tungkol kay Esteban (pangalang sa Griyego ay nangangahulugang may korona ), ito ang papuri ng...
BAGAC, Bataan ----- Isinagawa kahapon, Ika-03 ng Disyembre 2020, ang Prusisyon ng Orihinal na Imahen ni San Francisco Xavier ng Barangay Parang ng nasabing bayan. Kasama rin sa Prusisyon ang Imahen ni Santo Hannibal Maria di Francia, ang Segunda Patron ng Parokya. Maliban sa pinagdaraanan nating Pandemya ngayon, ay sinasabing naging kakaiba ang isinagawang Prusisyon na nataon sa Pagdiriwang ng Ika-40 Taong Anibersaryo ng pagiging Parokya ng simbahan. Simula kasi ng maging Parokya ang noo'y Kapilya ni San Francisco Xavier sa Parang, ay ngayon lamang nailibot ang Imahen sa buong nasasakupang Parokya (maliban sa Matalangao). Ganap na ika-5:30 ng Hapon nang ilabas sa Simbahan ang mga Imahen, na binigyang hudyat naman ng pagpapatunog sa Kampana ng Simbahan. Ito ay unang iniikot hanggang sa Arko ng Bayan ng Bagac na nasa Tulay ng Culvo. Iniikot din ang Prusisyon sa likod ng Simbahan, pabalik sa National Road. Binaybay ng Prusisyon ang kaha...
01 NOBYEMBRE 2020 Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal MGA PAGBASA: Unang Pagbasa: Pahayag 7:2-4.9-14 Ako’y si Juan, at nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buhay. Humiyaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, “Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat, o ang mga punongkahoy. Hintayin ninyong matatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.” At sinabi sa akin ang bilang ng mga tinatakan – sandaa’t apatnapu’t apat na libo buhat sa labindalawang lipi ng Israel. Pagkatapos nito’y nakita ko ang napakaraming taong di kayang bilangin ninuman! Sila’y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. Sabay-sabay nilang sinabi, “Ang kaligtasan ay mula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!” Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, ng mata...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento