#AngWikaNiya | MGA PAGBASA AT EBANGHELYO| Ika-Apat na Linggo ng Adbiyento
Unang Pagbasa: Isaias 7:10-14 Noong mga araw na iyon, ipinasabi ng Panginoon kay Acaz: “Humingi ka sa akin ng palatandaan, maging sa kalaliman ng kinaroroonan ng mga yumao o sa kaitaasan ng langit.” Sumagot si Acaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko susubukin ang Panginoon.” Sinabi ni Isaias: “Pakinggan mo, sambahayan ni David, kulang pa ba ang galitin ninyo ang mga tao na pati ang aking Diyos ay inyong niyayamot? Kaya nga’t, ang Panginoon na rin ang magbibigay ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng lalaki at ito’y tatawaging Emmanuel.” Salmo: Awit 23 Tugon: Ang Panginoo’y darating, s’ya’y dakilang Hari natin! Ang buong daigdig, lahat ng naroon, may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon. Ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y ilalim ng lupa, tubig kalaliman. Sino ang marapat umahon sa burol, sa burol ng Poon, sino nga’ng aahon? Sino’ng papayagang pumasok sa...